Saturday, February 26, 2011

Essay


Ang Buhay ng Isang Unbelievable Brain Joker..

"saya na hindi mapaplitan"
        Ako si Lieva S. Cataag na kilala bilang si “Lieva”,Leiva”, at “Leivags”. Ipinanganak noong ika-19 ng abril, 1996. Sa Brgy. Santiago II, San Pablo City. Sa ganap na 6:30 ng umaga. Ang aking mga magulang ay si Julito G. Cataag at Evangeline S. Cataag. At ang aking mga kapatid ay sina Lee Van S. Cataag, Levie S. Cataag, Lelyn S. Cataag, at Leleth S. Cataag. Sa kasalukuyan kami’y naninirahan sa Brgy. Sta. Filomena, San Pablo City sa compound ng Cataag Family. At ang aking mga hilig at interes sa buhay ay ang pagbabasa at pag-awit kasama ng aking mga kaibigan.

ako sa edad na 4 kasama ang aking pamilya

                Sa gulang na tatlo, na masasaksihan sa larawan sa ibaba ang pagdiriwang ko ng aking kaarawan. Noong mga panahong ito lubhang napakasaya ng mga pangyayari sapagkat nakasama ko ang aking mga pinsan at kalaro sa pagdiriwang ng aking ikatlong kaarawan. Sa tuwing nakikita ito ng aking mga pinsan ay sila’y natutuwa sapagkat napaka “cute” daw nila ng mga panahong ito. Hindi kagaya sa ngayon na ang ilan sa kanila ay nasa kolehiyo na at nakatapos na sa pag-aaral.

ang ikatlong kaarawan



ang cute ko dito :))
                Tunay nga din naman ang mga salitang sinasabi ng mga matatanda na ang mga bata ay lubhang nakaka aliw at nakakatuwa. Ilan sa mga patunay ay ang mga larawan ko sa ibaba. Sa mga panahong iyan ay inosenteng mundo pa lamang ang kinahaharap ng mga batang kagaya ko. Walang iniisip kung hindi ang mag-laro at mag-laro at sadyang napakasaya ng mga araw na ito ng aking buhay sapagkat dito ko unang nalaman ang tunay na kahalagahan ng pagiging “masaya”. 




sa edad na dalawa ng yayain ako sa isang pictorial booth

                Nang dumating na ang panahon para madagadagan ang aking kaalaman sa buhay at sa mundong aking ginagalawan. Hindi ito naging madali para sa akin. Nang ako’y nasa Kindergarten ay isa akong lampang bata na madalas apihin ng aking mga kaklase at lagi na lamang sinisira ang aking mga gamit dahil hindi magawang lumaban para ipagtanggol ang aking sarili. Ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi ako magsikap mag-aral. Sa halip, ay ipinakita ko ang aking katalinuhan at sa huli nakamit ko ang Unang Karangalang Banggit at ang best in Math at Filipino.





"Graduation ng Kindergarten"


                Sa pagpasok ko naman sa unang baitang namangha ang aking guro sapagkat kaya ko ng magbasa at magsulat sa edad na lima na hindi naman ako pumasok sa preparatory at nursery. Kaya hindi uli naging mahirap para sa akin ang mabilang sa “honor student” ng aming paaralan ang Mababang Paaralan ng Sta. Filomena.


"recognition nung ako'y grade one"


                Sa ikalawang baitang naman muli kong pinagpursigihan ang aking pag-aaral  upang makapasok muli ako sa honor lists. Nang mga panahong ito ay lumalabas na ako ng paaralan upang lumaban ng mga kumpetisyon. At ilan sa mga nakakalaban ko dati ay aking mga kaklase sa kasalukuyan, ang ilan ay sila Gemar, Denise, Janielle, Honey, Paul, at Kim. Naisali din ako sa Mr. and Ms. Valentines noon, ang aking pinsan na si Hendrick ang aking kaparehas. Ngunit sa kasamaang palad ay pareho kaming natalo. Sa ganang akin, masaya na din akong makaranas na rumampa sa stage at palakpakan ng mga tao. Sa huli muli kong nakamit ang Unang Karangalang Banggit  sa ikalawang baitang.
"mr. and ms. valentines"

"recognition nung ako'y grade 2"

                Isa rin sa mga di makalilimutang taon ng aking buhay ang pagtungtong ko sa ikatlong baitang. Dito ko unang naranasan ang maging “muse” ng aming klase at kapareha ko dito ang aking kaklaseng si J.N. Cortez. Sa tuwing ako’y nagsasalaysay sa parteng ito ng aking buhay ay lagi kong sinasabi na “wala lang napili ang aming guro noon kaya ako na lamang ang kanyang kinuha”. Sa tuwing naririnig ng aking mga  kaklase ang kwento ko ukol dito sila’y natatawa dahil sa aking mga sinabi at opinion ukol dito. Natanggap ko rin ang aking “First Communion” sa panahong ito. Dito ko sinimulan ang pagbabago sa aking sarili ng malaman ko ang kahalagahan ng gabay ng Diyos sa ating buhay. Sa taong din ito ay nakamit ko ang Unang Karangalang Banngit at ilang medelya para sa pagkapanalo ko sa ibat-ibang patimpalak.

"intrams nung grade 3"

"ang aking first communion"

                Sa ikaapat na Baitang, ito ay naging seryoso sa akin dahil dito ko naranasan ang mapalaban sa Speech Revolution kung saan napaiyak ako sa nagtuturo sa amin dahail sa sobrang strikto nito na mapa-araw hanggang gabi ay kinakailangan naming mag-ensayo. Pero sa huli hindi nasayang ang aming pagod dahil nakamit ko ang ikatlong gantimpala. Dito ko rin naranasang ilaban sa Spelling Quiz Bee na hanggang ngayon ay nais ko paring labanan.

"speech revolution nung ako'y grade 4"

                Sa ikalimang baitang ay masaya rin ngunit maraming pagsubok na hinarap ang aming pamilya. Pero hindi iyon naging hadlang upang hindi ako maging “Honor” at hindi ko maipanalo ang aking mga sinalihang kompetisyon.


"recognition nung ako'y grade 5"

                At sa ikaanim na baitang , ginawa naming magkaklase na makabuluhan ang taong iyon dahil ito na ang huling taon na magkakasama kami at buo. Nariyan ang mga kulitan sa paglilinis at kalokohan sa NAT(National Achievement Test) at araw-araw na tawanan. Naroon din ang araw-araw na pagpapasulat sa slam note dahil sa pag-aantay ng magandang dedication. Kaya’t hindi naging madali para sa aming lahat ang iwanan ang isat-isa dahil sama-sama naming sinimulan ang aming mga pangarap sa buhay. Kaya hindi hindi ko rin naiwasan ang maging emosyonal sa araw  ng “Graduation”, dahil tulad nga ng isang bata na nais laging makapiling ang ina, gayon din ako, nais kong makasama ang eskwelahang naging pundasyon ng aking mga layunin sa buhay. Gayunpaman, laging kong tinatanaw ang utang na loob sa paaralan kung bakit ganito ako ngayon, at kung anung meron ako ngayon. At ito’y dahil sa kanilang suporta sa akin kahit ako’y nasa sekundarya na.
"graduation day"

                Ito na nga ang sinasabi ng iba na “Pinakamasaya at pinakamakabuluhang parte ng buhay estudyante” ang High School life.
                Sa unang taon sa sekundarya nakilala ko ang mga kaibigan na nagbago sa aking pagkatao. Ang isang simple at tahimik na Lieva ay naging isang makulit at masayahing tao. Sinimulan ko ang pangarap na matupad ang mga hangarin sa buhay sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School, ang paaralan na kumupkop at tumanggap sakin . Noong una akala ko ay hindi na ako makakasali sa Honor Students dahil napansin kong matatalino ang aking mga kaklase dahil nabibilang nga ako sa Science Curriculum , pero pagsisikap ang nagtulak sa akin upang mapasaya ang aking pamilya dahil nakuha ko ang pagiging Third Honors at best in Science na hindi ko talaga inaasahan dahil alam kong masidhi ang kompetisyon sa aming klase. Gayunpaman, masaya ako at ninais kong magpursige upang mapasama muli sa Honor Society ng Dizon High.


                Isang masayang taun din ang bumungad pagtungtung ko ikalawang taon sa sekundarya. Marami akong naranasang “first time” sa buhay ko sa taong ito. Una ang paglahok sa Regional Jazz Chant Competiton, naging mahalaga ito dahil ito ang unang beses na makalaban ako sa regional ngunit naging mahirap din ito sa una dahil masyadong strikto si G. Lacsam, subalit marami naman akong natutunan sa kanya. Pangalawa ang pagiging presidente ng klase, aminado akong hindi naging maganda ang pamumuno ko sa aming klase ngunit ang mahalaga’y ginawa ko ang aking makakaya para sa lahat. Ang paglahok sa Florante at Laura kung saan nagkamit kami ng 2nd place. Alam kong hindi naging kuntento ang aking mga kaklase dito, dahil alam kong ginawa namin ang lahat ng aming makakaya para sa ikabubuti at ika gaganda ng aming dulawit ngunit hindi namin talaga nakuha ang 1st place. Naranasan ko rin ang mangulila sa isang “best friend” dito natapos ang halos dalawang taon naming samahan dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, ngunit naging daan ito upang maging mas matatag ako at makatagpo ng bagong kaibigan na aking masusumpungan sa oras ng pangangailangan. Kaya simula noon hindi ko na hinangad ang magkaroon pa ng isang “best friend” dahil alam kong hindi ko kayang malutas ang problema sa pagitan naming dalawa. Lumaban din ako ng Science Quest tungkol sa Biology sa unang pagkakataon at ako ay nag wagi ng 3rd place. Talagang naging masaya ako noon dahil hindi ko inaasahan ang manalo sapagkat kulang ang naging paghahanda ko para sa patimpalak. Kaya laking pasasalamat ko sa Diyos dahil sa hindi inaasahang biyaya niya sa akin. At sa huli ay ang pagiging 2nd honors, hindi ko ito inaasahang mangyayari. Na kahit sa panaginip ay hindi ko inaasahang mangyari dahil parang imposible ito. Masaya ako dahil sa kabila ng pagsubok na pinagdadaanan ko naging tagumpay parin ako sa aking hangarin.




                Sa pagpasok ng ikatlong taon ng sekundarya, ang pinakamasayang taon ng high school life. Dito lalong mas lumawig ang aking sariling pakahulugan ng “kaligayahan” , ito’y di lamang basta natutuwa ka, at masasayahan ka. Ito’y isang saya na natatalos ng puso nang isang indibidwal ay hindi mababayaran ng kahit na anong materyal na bagay . Dito namin naranasan ang sunod-sunod na halakhak sa kabila ng sunod-sunod na proyekto at takdang aralin. Dito rin nabitawan ang salitang “Ah, bahala na! wag na mag-review!” . Palagi kaming masaya, dahil sinusulit namin ang panahong kami’y magkakasama. 


                Isang masayang pagkakataon nga namaimbitahan kami ng SM San Pablo City sa kanilang opening. Isang malaking karangalan ang mapasama sa kasaysayan ng SM. Kaya tuwang-tuwa ang eskwelahan sa imbitasyon ng Sm San Pablo. Napili ang 3rd Year at 4th Year at ilang 2nd Year na estudyante upang sumayaw sa SM San Pablo. Pagkatapos ng sayaw ay hinandugan kami ng masarap na pananghalian at kaming magbabarkada ay nag-gala at umikot–ikot sa bawat sulok ng SM San Pablo hanggang sa kami’y abutin ng hapon na wala namang nabili na kahit na ano.



                Masaya rin ang Science Camp sa taong ito kahit ako pagod sa pagiging isang Camp Director, dahil doon ay  marami akong nakilalang bagong kaibigan at mas nasubok ang talino ng mga estudyante sa science trail. Ang Science Camp na ito’y may temang DNA: Decoding Science Nulifying Fiction and Amplifying Action na ginanap noong Sept. 24-26, 2010.



                At  isa rin sa hindi makakalimutang pangyayari sa pagiging 3rd Year  ay ang ginanap na “JS Prom “ sa aming paaralan na may temang  Hawaiian Luan Party. Ang temang ito’y sadyang naging usap-usapan ng bawat estudyante dahil hindi sila sang-ayon sa tema sinasabi nilang “Hawaiian party, ang baduy!” muntikan na nga itong hindi matuloy, pero pinilit ng mga guro na maidaos ito. Naghanda ng magarbong dekorasyon na nagpamangha sa mga estudyante, isa na ako dun. Ito kasi ang unang beses na makakasali ako sa ganitong pagtitipon. Noong una akala ko ay napakawalang buhay  ang mga ganitong selebrasyon ngunit nagkamali ako, ito pala ang sinasabi nilang JS Prom puno buhay  at kasayahan dahil sa pag-uumpisa ng drum beaters na sinabayan pa ng nag-iinit na mga fire dancers na nakapag-paindak ng maraming tao. Ito rin ang una kong pagkakataon na makapanuod ng “live” na fire dancing ito ay nakakatakot ngunit nakakatuwang panoorin. Ang nakakabuhay na mga tugtog ang nagbigay daan upang simulan ang kasiyahang iyon na kung tawagin ay “Party time”. Pero noong “ love songs” na ang pinatugtog hindi inaasahan ay isinayaw ako ng aking mga kaklaseng lalaki at ilang kaibigan sa ibang seksyon. Sayang nga lamang  at hindi ako naisayaw ng aking crush . Ngunit sa kabuuan, naging masaya rin ang araw na iyon.


                Sa taong ito rin naranasan ko ang magpahalaga sa isang tao na parang walang kwenta  sa iba. Dito naramdaman ang pagkamiss kahit hindi ko siya kamag-anak. Pero ng lumaon, ang feelings na iyon ay naglaho rin at nawala sa puso ko . Gayunpaman, nais ko na lamang sulitin ang natitirang araw naming mga magkaklase dahil mas binibigyan ko ng importansya ang panahong kami’y magkakasama. Sapagkat sila ang siyang nag-palawig sa kahalagahan at kasiyahan ng pagiging isang High School.



Monday, February 14, 2011

My Name's Etymology


Unbelievable brain joker: A name to be defined

            My blog’s name unbelievable brain joker was derived from my personality. Unbelievable means amazing, I chose it because my name LIEVA can be included in the word, and its meaning fits for some of my personality. Like in managing my time with family and studies and being a “great friend” to everyone, a good comment that I had gained from some of my friends and classmates. Brain Joker because I am a funny type of person, even though I’m too tired to make others laugh, I always do my best to make them glad. For an instance, I always give funny spoofs and punch lines that would make them laugh and cry out of happiness. Sometimes I impersonate some comedians like “Vice Ganda” that would really make them stop on what they are doing. And note it is brain joker because I always make sure that when I say something it would not hurt anybody, undergoing those situations. I always think on how I would avoid hurting the feelings of others. So when we I put them up together “UNBELIEVABLE BRAIN JOKER”. That means amazing and responsible joker.
                Actually that was not the real name that I had chosen. The blog’s name that I had formulated before was “saLIEVAry glands”, this name was the first thing that came into my mind because when I was in elementary education, I was always teased by classmates as “SALIVA” because of the pronunciation of my name LIEVA is [lay-va]. At first it was really embarrassing, specially when we are discussing the Digestive System specifically in the digestive enzymes. When the teacher says the word “saliva”, all of my classmates would stare on me and then they will laugh. And each time it happens I would just blame my parents for giving that name. But when I reached grade six I realized that my name was unique and nothing to be ashamed of. So when I reached my secondary education, I don’t mind about my name instead I study hard to achieve my goals.
                Getting back to the topic, I decided to survey my classmates about the blog’s name that I will be using, if it is SALIEVARY GLANDS or UNBELIEVABLE BRAIN JOKER. And the result of the survey was dealing with the unbelievable brain joker because they say that SALIEVARY GLANDS sounds yucky and I also thought that it would not fit my personality.
                And that’s the story behind my blog’s name. Hope you enjoy reading the whole text.
                      

Sunday, February 13, 2011

film review


Percy Jackson and the Olympians: The lightning thief
I. Pamagat: Percy Jackson and the Olympians: The lightning thief
II. May akda: Craig Titley
III. Direktor: Chris Columbus
IV.  Buod:
                Nagsimula ang lahat sa pag-aakusa ni Zeus, ang diyos ng langit sa anak ni Poseidon, ang diyos ng karagatan sa pagkakanakaw ng kanyang iniingatang bagay. Ito ang pinakamalakas at pinaka katangi-tanging armas na nagawa sa buong sanlibutan ang “lightning bolt”. Sinabi niyang kung hindi maibabalik ang “lightning bolt” sa kanya sa loob ng 14 na araw sa panahon ng tag-araw ay magkakaroon ng digmaan na wawasak sa sanlibutan. At sinabi naman ni Poseidon na kung gagalawin ni Zeus ang kanyang anak ay siya ang makakaharap nito. Matapos ang kanilang pag-uusap, parehas silang naglaho patungo sa kanilang kaharian.
                Samantala nagugulumihanan naman ang anak ni Poseidon na si Percy Jackson sa kanyang kondisyon. Kaya niyang tumagal sa ilalim ng tubig sa loob ng pitong minuto, na minsa’y naakusahan na rin siya ng kanyang kaibigang si Grover na isang halimaw dahil nga sa natatanging kakayahan nito. Kaya rin niyang basahin ang mensahe ng mga griyegong salita at letra. Ito ang ilan sa mga bagay na nakapagpapagulo sa kanyang isipan na tila walang kasagutan dahil sa hindi niya nasilayan ang ama simula ng siya’y bata pa.
                Pag-uwi niya sa bahay kinamusta siya ng kanyang inang si Sally Jackson tungkol sa buhay pag-eeskuwela. At ayon kay Percy kagaya parin ito ng dati, pinahihirapan parin ito ng sakit na ADHD (Attention deficit hyperactivity disorder) at dyslexia. Ito ay ang kakaiba niyang  kakayahang makabasa ng mensahe ng salitang griyego. Sabay namang dating ng kanyang pangalawang ama na si Gabe Ugliano na labis niyang kinamumuhian dahil sa labis nitong pag-inom at hindi paghahanap ng trabaho. Tinanong niya angkanyang ina kung bakit kinakailangan pang pakisamahan ang tulad ni Gabe. Walang tinuran ang ina, kung hindi kailangan nila ito ng malaki.
                Kinabukasan ay pumunta sila sa Museum of Metropolitan of Art, kung saan makikita ang ibat-ibang  estatwa ng mga diyos ng mga Romano. At ang propesor na nangangasiwa sa kanila ay si Mr. Brunner, napansin ni Miss Doods, ang kanilang English Substitute teacher na may kakaibang kakayahan si Percy na tanging isang Demigod (mga anak ng diyos at tao) lang ang maaring magtaglay. Ang katauhang bumabalot kay Miss Doods ay sinugo ni Hades ang kapatid ni Zeus at Poseidon na ubod ng sama. Nag-anyong halimaw o fury si Miss Doods at sinagupa si Percy. Pinababalik nito ang “lightning bolt”. Patuloy ang pagtanggi ni Percy dahil tunay ngang wala sa kanya ang “lightning bolt”. Kung hindi lamang dumating si Mr. Brunner at Grover ay maaaring pinaslang na ni Miss Doods si Percy. Mababakas ang pagkasindak sa mukha ni Percy kung kaya’t sinabi na Mr. Brunner at Grover ang totoo sa kanyang pagkatao at sinabi nitong hindi na ligtas si Percy sa lugar na iyon at kinakailangan na nitong lumikas. Nagmadali si Grover at Percy pauwi ng bahay para sa kanyang kaligatasan.            
                Sa bahay, naroon si Sally na ginagawang utusan ng ama-amahan ni Percy. Nabigla si Sally ng dumating  si Grover  at Percy na humahangos. Ipinaliwanag ni Grover na hindi na ligtas ang lugar na iyon para sa kanilang mag-ina at linakailangan na nilang magtungo sa Camp Half-Blood ang lugar kung saan makikita ang mga demigod at doon rin huhubugin ang kanilang kakayahan sa pakikidigma. Nagmamadali sila sa pag-alis at doon naipaliwanag ni Sally kay Percy ang totooong nangyari at ang lahat ng tungkol sa kanyang ama at lahat din ng tunkol sa kanyang pagkatao.
                Pagdating nila sa Camp Half-Blood hinabol sila ng mga baka, doon ipinakita ni Grover ang totoo niyang anyo, ang pagiging kalahating kambing at tao. Nagmadali sila sa pagtakbo at nang papasok na sila sa kampo, hindi nakalusot si Sally dahil siya’y isang tao lamang at tanging mga demigod lamang ang maaring makapasok dito. Naabutan siya ni Hades na nag-anyong minotaur at nakuha nito ang kanyang ina. Ginamit niya ang plumang ibinigay ni Mr. Brunner upang labanan ang minotaur. Ang pluma ay nagiging espesyal na armas na makakatulong kay Percy sa pakikipaglaban. Natalo ang minotaur matapos  labanan ni Percy at matapos makipaglaban ay nawalan siya ng malay.
                Pagkatapos ng tatlong araw, nagkaroon ng malay tao si Percy. Namulat siya sa Camp Half-Blood, sinisi niya ang kanyang sarili sa pagkawala ng ina ngunit hindi ito naging daan upang mawalan siya ng pag-asa. Ipinakilala siya ni Grover sa buong grupo, nakita niya roon si Mr. Brunner at napansin niya na kalahating tao at kabayo ito. Nalaman niya rin na ang totoo pala nitong pangalan ay Chiron. Huli ng naipakilala ni Grover si Annabeth ang anak ni Athena ang diyosa ng karunungan. Namangha si Percy sa kagandahan nito ngunit binalaan siya ni Grover na masyadong malakas itong si Annabeth. Ipinakilala rin siya ni Chiron sa buong kampo at nagkaroon sila ng pagsasanay. Nabilang si Percy sa asul na sundalo kung saan nakilala niya si Luke,ang anak ni Yournis ang mensahero ng mga diyos na naging kaibigan niya. At si Annabeth ay nabilang sa pulang sundalo. Upang magwagi ay kinakailangan nilang makuha ang bandila sa kagubatan. Seryoso ang lahat at ng makita ni Percy ang bandila ay pinigilan siya ni Annabeth. Pinagsusugatan niya ito hanggang sa hindi na ito makatayo. Ngunit natuklasan ni Percy na kayang pagalingin ng tubig ang kanyang sugat kaya muli siyang nakipaglaban at natalo niya si Annabeth. Nanalo ang mga asul na sundalo at sila’y nagdiwang.
                Kinagabihan sa pagsasalo ng buong kampo, lumabas si Hades sa apoy, natuklasan ni Percy na hindi pa pala patay ang kanyang ina at dinala lamang ito na Hades sa Underworld. Kaya napagpasiyahan niyang maglakbay mag-isa patungo dito. Ngunit kinumbinsi ni Grover at Annabeth si Percy na isama silang dalawa dahil malaki ang maitutulong nila sa paglalakbay. Humingi sila ng tulong kay Luke para malaman kung paano makarating sa Underworld. Binigyan ni Luke si Percy ng lumilipad na sapatos, mapa na magbibigay ng tamang lokasyon sa kanila para makuha ang perlas na makakatulong sa pagbalik nila, at isang kalasag. Nagpasalamat silang lahat kay Luke at tumungo na sa unang lokasyon.           
                Ang unang perlas ay matatagpuan sa Auntie Em’s Garden Emporium, naroroon si Medusa na kapag natingnan ang isang tao ay nagiging bato. Isinumpa siya ni Athena kung kaya’t nais niyang gawing bato si Annabeth kaya iniligtas siya ni Percy at Grover. Pinutol nila ang ulo nito at nakuha nila ang perlas. Ang panglawang perlas ay matatagpuan sa Nashville, Tennessee, Parthenon sa estatwa ni Athena na may taas na 30 talampakan kinuha ni Percy ang perlas gamit ang lumilipad na sapatos. Ang pangatlong perlas ay matatagpuan sa Las Vegas, Nevada sa Lotus Hotel and Casino doon ay nalimutan nila ang kanilang hangarin dahil sa bulaklak na tinapay at ilang taong isinugo ni Hades. Nagising lamang si Percy ng paalalahanan siya ng kanyang amang si Poseidon at ginising din niya ni Annabeth at Grover. Matapos makuha ang ikatlong perlas, napansin nilang ilang araw na lang ang natitira sa kanilang misyon at magkakaroon na ng digmaan na wawasak sa sanlibutan na ayon sa itinakda ni Zeus. Nagmadali sila sa pagpunta sa Hollywood ang huling destinasyon patungo sa Underworld , doon nabutas ang lupa at nakarating sila sa Underworld. Nakita nila ang mga kaluluwang naghihirap at mga nasirang pangarap. Pero higit sa lahat nakita na ni Percy ang kanyang ina inihagis niya ang kalasag na ibinigay ni Luke dahil sa labis na katuwaan. Nakita ni Hades na naroon ang “lightning bolt” at pinatamaan niya sila Percy. Ngunit pinigilan siya ng mabuting loob na si Stephanie at pinatay niya si Hades dahil sa kasamaan nito. Paalis nila ngunit napansin nila na kulang ang perlas at kinailangan nilang iwanan ang isa. Nagpaiwan si Grover dahil ayon sa kanya ay responsibilidad niya ito bilang isang protektor. Kaya umalis na sila Percy, Sally, at Annabeth patungo sa Olympia dahil kaunting oras na lang ang natitira para sa itinakda ni Zeus. Dinala ni Percy ang “lightning bolt” at dumating si Luke at inagaw ito dahil nais niyang kontrolin ang lahat. Kaya nauwi ito sa isang labanan. Nanalo si Percy at tumungo na sila sa Olympia.   

   
                Ibinalik ni Percy ang “lightning bolt” kay Zeus bago maganap ang digmaan kaya napigilan ito. Hiniling ni Poseidon na makausap ang kanyang anak na si Percy. Humingi siya ng tawad para sa kanyang mga nagawa at mga pagkukulang bilang isang ama. At napatawad naman siya ni Percy. Hiniling din ni Percy kay Zeus na ibalik si Grover sa kampo dahil malaki rin ang naitulong nito.
                Sa huli, nakabalik si Grover sa Camp Half-Blood at pinili ni Percy na manirahan sa lugar  kung saan siya nababagay. Nagpaalam siya sa ina upang mamuhay bilang isang “demigod”.

V. Reaksyon:
                A.Tauhan
* Mahusay ang lahat ng gumanap at mabisang nailahad sa mga manonoood ang diwa at kaisipan ng kwento.
                B.Lenggwahe
* Maganda ang pagkakapili ng lenggwahe sa kwento at angkop sa mga gumanap.
                C.Paglalapat ng tunog
* Mahusay ang paglalapat ng tunog at akma sa mga eksenang ipinalalabas.

VI. Mensahe at Pagpapahalagang Moral
* Ang mensahe ng kwento ay maging matapat upang makaiwas sa pagkakaroon ng gulo. Mahalin at pahalagahan ang mga magulang.

VII. Mga Puna at Mungkahi
* Maayos ang pagkakalahad ng kwento. Nais kong magkaroon pa ng sususnod na kabanata ang kwentong ito.