Saturday, February 26, 2011

Essay


Ang Buhay ng Isang Unbelievable Brain Joker..

"saya na hindi mapaplitan"
        Ako si Lieva S. Cataag na kilala bilang si “Lieva”,Leiva”, at “Leivags”. Ipinanganak noong ika-19 ng abril, 1996. Sa Brgy. Santiago II, San Pablo City. Sa ganap na 6:30 ng umaga. Ang aking mga magulang ay si Julito G. Cataag at Evangeline S. Cataag. At ang aking mga kapatid ay sina Lee Van S. Cataag, Levie S. Cataag, Lelyn S. Cataag, at Leleth S. Cataag. Sa kasalukuyan kami’y naninirahan sa Brgy. Sta. Filomena, San Pablo City sa compound ng Cataag Family. At ang aking mga hilig at interes sa buhay ay ang pagbabasa at pag-awit kasama ng aking mga kaibigan.

ako sa edad na 4 kasama ang aking pamilya

                Sa gulang na tatlo, na masasaksihan sa larawan sa ibaba ang pagdiriwang ko ng aking kaarawan. Noong mga panahong ito lubhang napakasaya ng mga pangyayari sapagkat nakasama ko ang aking mga pinsan at kalaro sa pagdiriwang ng aking ikatlong kaarawan. Sa tuwing nakikita ito ng aking mga pinsan ay sila’y natutuwa sapagkat napaka “cute” daw nila ng mga panahong ito. Hindi kagaya sa ngayon na ang ilan sa kanila ay nasa kolehiyo na at nakatapos na sa pag-aaral.

ang ikatlong kaarawan



ang cute ko dito :))
                Tunay nga din naman ang mga salitang sinasabi ng mga matatanda na ang mga bata ay lubhang nakaka aliw at nakakatuwa. Ilan sa mga patunay ay ang mga larawan ko sa ibaba. Sa mga panahong iyan ay inosenteng mundo pa lamang ang kinahaharap ng mga batang kagaya ko. Walang iniisip kung hindi ang mag-laro at mag-laro at sadyang napakasaya ng mga araw na ito ng aking buhay sapagkat dito ko unang nalaman ang tunay na kahalagahan ng pagiging “masaya”. 




sa edad na dalawa ng yayain ako sa isang pictorial booth

                Nang dumating na ang panahon para madagadagan ang aking kaalaman sa buhay at sa mundong aking ginagalawan. Hindi ito naging madali para sa akin. Nang ako’y nasa Kindergarten ay isa akong lampang bata na madalas apihin ng aking mga kaklase at lagi na lamang sinisira ang aking mga gamit dahil hindi magawang lumaban para ipagtanggol ang aking sarili. Ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi ako magsikap mag-aral. Sa halip, ay ipinakita ko ang aking katalinuhan at sa huli nakamit ko ang Unang Karangalang Banggit at ang best in Math at Filipino.





"Graduation ng Kindergarten"


                Sa pagpasok ko naman sa unang baitang namangha ang aking guro sapagkat kaya ko ng magbasa at magsulat sa edad na lima na hindi naman ako pumasok sa preparatory at nursery. Kaya hindi uli naging mahirap para sa akin ang mabilang sa “honor student” ng aming paaralan ang Mababang Paaralan ng Sta. Filomena.


"recognition nung ako'y grade one"


                Sa ikalawang baitang naman muli kong pinagpursigihan ang aking pag-aaral  upang makapasok muli ako sa honor lists. Nang mga panahong ito ay lumalabas na ako ng paaralan upang lumaban ng mga kumpetisyon. At ilan sa mga nakakalaban ko dati ay aking mga kaklase sa kasalukuyan, ang ilan ay sila Gemar, Denise, Janielle, Honey, Paul, at Kim. Naisali din ako sa Mr. and Ms. Valentines noon, ang aking pinsan na si Hendrick ang aking kaparehas. Ngunit sa kasamaang palad ay pareho kaming natalo. Sa ganang akin, masaya na din akong makaranas na rumampa sa stage at palakpakan ng mga tao. Sa huli muli kong nakamit ang Unang Karangalang Banggit  sa ikalawang baitang.
"mr. and ms. valentines"

"recognition nung ako'y grade 2"

                Isa rin sa mga di makalilimutang taon ng aking buhay ang pagtungtong ko sa ikatlong baitang. Dito ko unang naranasan ang maging “muse” ng aming klase at kapareha ko dito ang aking kaklaseng si J.N. Cortez. Sa tuwing ako’y nagsasalaysay sa parteng ito ng aking buhay ay lagi kong sinasabi na “wala lang napili ang aming guro noon kaya ako na lamang ang kanyang kinuha”. Sa tuwing naririnig ng aking mga  kaklase ang kwento ko ukol dito sila’y natatawa dahil sa aking mga sinabi at opinion ukol dito. Natanggap ko rin ang aking “First Communion” sa panahong ito. Dito ko sinimulan ang pagbabago sa aking sarili ng malaman ko ang kahalagahan ng gabay ng Diyos sa ating buhay. Sa taong din ito ay nakamit ko ang Unang Karangalang Banngit at ilang medelya para sa pagkapanalo ko sa ibat-ibang patimpalak.

"intrams nung grade 3"

"ang aking first communion"

                Sa ikaapat na Baitang, ito ay naging seryoso sa akin dahil dito ko naranasan ang mapalaban sa Speech Revolution kung saan napaiyak ako sa nagtuturo sa amin dahail sa sobrang strikto nito na mapa-araw hanggang gabi ay kinakailangan naming mag-ensayo. Pero sa huli hindi nasayang ang aming pagod dahil nakamit ko ang ikatlong gantimpala. Dito ko rin naranasang ilaban sa Spelling Quiz Bee na hanggang ngayon ay nais ko paring labanan.

"speech revolution nung ako'y grade 4"

                Sa ikalimang baitang ay masaya rin ngunit maraming pagsubok na hinarap ang aming pamilya. Pero hindi iyon naging hadlang upang hindi ako maging “Honor” at hindi ko maipanalo ang aking mga sinalihang kompetisyon.


"recognition nung ako'y grade 5"

                At sa ikaanim na baitang , ginawa naming magkaklase na makabuluhan ang taong iyon dahil ito na ang huling taon na magkakasama kami at buo. Nariyan ang mga kulitan sa paglilinis at kalokohan sa NAT(National Achievement Test) at araw-araw na tawanan. Naroon din ang araw-araw na pagpapasulat sa slam note dahil sa pag-aantay ng magandang dedication. Kaya’t hindi naging madali para sa aming lahat ang iwanan ang isat-isa dahil sama-sama naming sinimulan ang aming mga pangarap sa buhay. Kaya hindi hindi ko rin naiwasan ang maging emosyonal sa araw  ng “Graduation”, dahil tulad nga ng isang bata na nais laging makapiling ang ina, gayon din ako, nais kong makasama ang eskwelahang naging pundasyon ng aking mga layunin sa buhay. Gayunpaman, laging kong tinatanaw ang utang na loob sa paaralan kung bakit ganito ako ngayon, at kung anung meron ako ngayon. At ito’y dahil sa kanilang suporta sa akin kahit ako’y nasa sekundarya na.
"graduation day"

                Ito na nga ang sinasabi ng iba na “Pinakamasaya at pinakamakabuluhang parte ng buhay estudyante” ang High School life.
                Sa unang taon sa sekundarya nakilala ko ang mga kaibigan na nagbago sa aking pagkatao. Ang isang simple at tahimik na Lieva ay naging isang makulit at masayahing tao. Sinimulan ko ang pangarap na matupad ang mga hangarin sa buhay sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School, ang paaralan na kumupkop at tumanggap sakin . Noong una akala ko ay hindi na ako makakasali sa Honor Students dahil napansin kong matatalino ang aking mga kaklase dahil nabibilang nga ako sa Science Curriculum , pero pagsisikap ang nagtulak sa akin upang mapasaya ang aking pamilya dahil nakuha ko ang pagiging Third Honors at best in Science na hindi ko talaga inaasahan dahil alam kong masidhi ang kompetisyon sa aming klase. Gayunpaman, masaya ako at ninais kong magpursige upang mapasama muli sa Honor Society ng Dizon High.


                Isang masayang taun din ang bumungad pagtungtung ko ikalawang taon sa sekundarya. Marami akong naranasang “first time” sa buhay ko sa taong ito. Una ang paglahok sa Regional Jazz Chant Competiton, naging mahalaga ito dahil ito ang unang beses na makalaban ako sa regional ngunit naging mahirap din ito sa una dahil masyadong strikto si G. Lacsam, subalit marami naman akong natutunan sa kanya. Pangalawa ang pagiging presidente ng klase, aminado akong hindi naging maganda ang pamumuno ko sa aming klase ngunit ang mahalaga’y ginawa ko ang aking makakaya para sa lahat. Ang paglahok sa Florante at Laura kung saan nagkamit kami ng 2nd place. Alam kong hindi naging kuntento ang aking mga kaklase dito, dahil alam kong ginawa namin ang lahat ng aming makakaya para sa ikabubuti at ika gaganda ng aming dulawit ngunit hindi namin talaga nakuha ang 1st place. Naranasan ko rin ang mangulila sa isang “best friend” dito natapos ang halos dalawang taon naming samahan dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, ngunit naging daan ito upang maging mas matatag ako at makatagpo ng bagong kaibigan na aking masusumpungan sa oras ng pangangailangan. Kaya simula noon hindi ko na hinangad ang magkaroon pa ng isang “best friend” dahil alam kong hindi ko kayang malutas ang problema sa pagitan naming dalawa. Lumaban din ako ng Science Quest tungkol sa Biology sa unang pagkakataon at ako ay nag wagi ng 3rd place. Talagang naging masaya ako noon dahil hindi ko inaasahan ang manalo sapagkat kulang ang naging paghahanda ko para sa patimpalak. Kaya laking pasasalamat ko sa Diyos dahil sa hindi inaasahang biyaya niya sa akin. At sa huli ay ang pagiging 2nd honors, hindi ko ito inaasahang mangyayari. Na kahit sa panaginip ay hindi ko inaasahang mangyari dahil parang imposible ito. Masaya ako dahil sa kabila ng pagsubok na pinagdadaanan ko naging tagumpay parin ako sa aking hangarin.




                Sa pagpasok ng ikatlong taon ng sekundarya, ang pinakamasayang taon ng high school life. Dito lalong mas lumawig ang aking sariling pakahulugan ng “kaligayahan” , ito’y di lamang basta natutuwa ka, at masasayahan ka. Ito’y isang saya na natatalos ng puso nang isang indibidwal ay hindi mababayaran ng kahit na anong materyal na bagay . Dito namin naranasan ang sunod-sunod na halakhak sa kabila ng sunod-sunod na proyekto at takdang aralin. Dito rin nabitawan ang salitang “Ah, bahala na! wag na mag-review!” . Palagi kaming masaya, dahil sinusulit namin ang panahong kami’y magkakasama. 


                Isang masayang pagkakataon nga namaimbitahan kami ng SM San Pablo City sa kanilang opening. Isang malaking karangalan ang mapasama sa kasaysayan ng SM. Kaya tuwang-tuwa ang eskwelahan sa imbitasyon ng Sm San Pablo. Napili ang 3rd Year at 4th Year at ilang 2nd Year na estudyante upang sumayaw sa SM San Pablo. Pagkatapos ng sayaw ay hinandugan kami ng masarap na pananghalian at kaming magbabarkada ay nag-gala at umikot–ikot sa bawat sulok ng SM San Pablo hanggang sa kami’y abutin ng hapon na wala namang nabili na kahit na ano.



                Masaya rin ang Science Camp sa taong ito kahit ako pagod sa pagiging isang Camp Director, dahil doon ay  marami akong nakilalang bagong kaibigan at mas nasubok ang talino ng mga estudyante sa science trail. Ang Science Camp na ito’y may temang DNA: Decoding Science Nulifying Fiction and Amplifying Action na ginanap noong Sept. 24-26, 2010.



                At  isa rin sa hindi makakalimutang pangyayari sa pagiging 3rd Year  ay ang ginanap na “JS Prom “ sa aming paaralan na may temang  Hawaiian Luan Party. Ang temang ito’y sadyang naging usap-usapan ng bawat estudyante dahil hindi sila sang-ayon sa tema sinasabi nilang “Hawaiian party, ang baduy!” muntikan na nga itong hindi matuloy, pero pinilit ng mga guro na maidaos ito. Naghanda ng magarbong dekorasyon na nagpamangha sa mga estudyante, isa na ako dun. Ito kasi ang unang beses na makakasali ako sa ganitong pagtitipon. Noong una akala ko ay napakawalang buhay  ang mga ganitong selebrasyon ngunit nagkamali ako, ito pala ang sinasabi nilang JS Prom puno buhay  at kasayahan dahil sa pag-uumpisa ng drum beaters na sinabayan pa ng nag-iinit na mga fire dancers na nakapag-paindak ng maraming tao. Ito rin ang una kong pagkakataon na makapanuod ng “live” na fire dancing ito ay nakakatakot ngunit nakakatuwang panoorin. Ang nakakabuhay na mga tugtog ang nagbigay daan upang simulan ang kasiyahang iyon na kung tawagin ay “Party time”. Pero noong “ love songs” na ang pinatugtog hindi inaasahan ay isinayaw ako ng aking mga kaklaseng lalaki at ilang kaibigan sa ibang seksyon. Sayang nga lamang  at hindi ako naisayaw ng aking crush . Ngunit sa kabuuan, naging masaya rin ang araw na iyon.


                Sa taong ito rin naranasan ko ang magpahalaga sa isang tao na parang walang kwenta  sa iba. Dito naramdaman ang pagkamiss kahit hindi ko siya kamag-anak. Pero ng lumaon, ang feelings na iyon ay naglaho rin at nawala sa puso ko . Gayunpaman, nais ko na lamang sulitin ang natitirang araw naming mga magkaklase dahil mas binibigyan ko ng importansya ang panahong kami’y magkakasama. Sapagkat sila ang siyang nag-palawig sa kahalagahan at kasiyahan ng pagiging isang High School.